PNoy: Tuloy ang reporma

MARAMI pang aabangan ang sambayanang Filipino kay Pangulong Benigno Aquino III bago matapos ang termino nito sa 2016.

Ito ang inihayag ng Malakanyang bunsod na rin ng anibersaryo ng unang dalawang taon ng Pangulong Aquino sa puwesto.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, labis ang pasasalamat ng Chief Executive sa publiko dahil sa walang sawang suporta ng mga ito sa pamahalaan at sa pagpayag sa kanya na magsagawa ng reporma sa gobyerno.

“While much has been achieved, much remains to be done. The Aquino administration continues to build on the momentum we have already gained. With everyone’s commitment, we are sure to lengthen our strides along the straight and righteous path,” ayon kay Usec. Valte sabay sabing nananatili ang mensahe ng Punong Ehekutibo na “honest and accountable governance is the anvil upon which our people can forge better futures for themselves.”

Tiniyak ng opisyal na mananatili ang nasimulan ng Chief Executive na maikasa ang makabuluhang pagbabago gaya ng nauna nitong inimplementa sa dalawang unang taon ng kanyang pagbibigay serbisyo sa bansa.

“No longer is the Filipino mired in paralysis and despair; he has seen the seemingly difficult tasks achieved, and is one with the government in creating a society that is truly just, prosperous, and equitably progressive.They remain his fount of strength, and the focus of each program and policy advanced by his administration,” ani Valte.

Sa kabilang dako, target ni Pangulong Aquino bago ang 2016 na hindi lamang tuluyang walisin ang korapsyon sa bansa kundi ang magkaroon ng systemic reforms.

“It cannot be for six years (only) … We want to make it systemic, as systemic as possible,” aniya pa rin.

Samantala, itinuturing naman ni Usec.Valte  na ang pinakamalaking achievement ng Pangulong Aquino sa naunang dalawang taon nito ay ang baguhin ang mindset ng taumbayan kung saan ay mas naging bukas ang mga ito sa reporma.

“It shows there is now a shift in attitude towards government as a partner and not as an oppressor. There will be no letup on all fronts, including government’s efforts to stop corruption,” anito.

Inamin ni Usec. Valte na sagabal lamang sa layunin na ito ng Pangulong Aquino ay ang time limit na apat na taon para labanan ang korapsyon at kahirapan.

“The president is very conscious of the period he has been given, six years yan (that’s a six-year term), no more no less,” ang pahayag ng opisyal.

“Give it a little more time,” ayon kay Usec Valte sabay sabing hangad ng Pangulong Aquino na palawigin ang sakop ng CCT program mula 3.1 million at gawing 3.8 million.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply