PNoy tutulak pa-UK ngayong araw

MAMAYANG ala-una ng hapon aalis ang delegasyon ni Pangulong Benigno Aquino III patungong London, United Kingdom lulan ng PR Flight 001 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2.

Sa kanyang pagbisita sa naturang bansa, aasahan ang mga investments na iuuwi ng Pangulo.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nakahanay sa schedule ni Pangulong Aquino ang pakikipagpulong sa iba’t ibang business groups sa UK.

Ani Valte, maaaring dito paplantsahin ang mga proyektong popondohan sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) program.

Makakaharap din ni Pangulong Aquino si Prince Andrew na kakatawan kay Queen Elizabeth na abala sa selebrasyon ng kanyang Diamond anniversary bilang reyna.

Mula sa UK, tutungo naman pa-Estados Unidos ang Pangulo para makipagpulong kay US President Barack Obama sa Washington D.C.C.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply