PNoy umalma sa mga kritiko

PINALAGAN ng Malakanyang ang ulat na ka-ipokritahan at umiiral ang double standard sa pagtanggi ni Pangulong Benigno Aquino III na lumagda sa waiver para mabuksan ang kanyang bank accounts.

Ang katuwiran ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte ay wala namang dollar accounts ang Punong Ehekutibo kaya’t wala silang nakikitang dahilan para lumagda ito ng waiver.

“In the first place, the President does not have dollar accounts. And, second, the waiver in the SALN authorizes the correct authorities. Kasi itong waiver hong pinag-uusapan natin sino po ba, ano po ba itong waiver na ito? Is this a waiver in favor of everybody? Halimbawa, ako, pumirma ako. Ibig na bang sabihin ‘non si Albert pwedeng pumunta sa bangko at pwedeng tingnan? ‘Yun po ‘yung pinag-uusapan natin. Pero if you look at the waiver in the SALN, it’s the correct waiver in favor of the correct authorities. Kasi sino po ba ‘yung merong kapangyarihang mag-imbestiga? ‘Yung Ombudsman po e, ‘yung Office of the Ombudsman. And the Ombudsman has enough powers, the waiver in the in office to start investigations of this nature,” ayon kay Usec. Valte.

“So i-klaro lang po natin, ilagay po natin ‘yung tamang kapangyarihan doon sa tamang opisina, kung sino po ‘yung dapat gumawa ng imbestigasyon. Kasi kung hindi po, otherwise, it’s just plain gimmickry which is obvious from what we have seen with what the former Chief Justice did. ‘Nung simula pa lang po, hinihingi na ‘yung waiver na ‘yan. Hinintay— We already had the information, nailabas na po ‘yung SALN, nailabas na po ‘yung bank records because of the PSBank president and then in the end he chooses to sign a waiver. It was perfectly what the Senate President called it. It’s all theatrics,” sabi ni Valte.

Muling iginiit ng opisyal sa mga kritiko ng Chief Executive na tingnan na lamang ng mga ito ang Statements of Assets and Liabilities and Networth (SALN) ng Pangulong Aquino dahil nakalahad naman, aniy, doon ang lahat ng mga pag-aari ng Pangulong Aquino.

“He’s not hiding anything. Look at his SALN, everything is there,” ani Valte.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply