PNP, AFP nakaalerto sa Pacquiao-Bradley fight

PAREHONG umaasa ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na magiging “zero crime incident” sa laban bukas (HUnyo 10, petsa sa Pinas) nina WBO welterweight champion Manny Pacquiao at Timothy Bradley.

Ayon kay AFP spokesman Col. Arnulfo Burgos Jr., lahat na mga sundalong naka-duty ng Linggo ay hindi papayagang makapag-leave o manood ng laban ni Pacquiao at Bradley bagama’t may libreng viewing sa ilang kampo ng militar sa buong bansa.

Kaugnay nito, nitong mga nakaraang araw pa umano nagpaabot ang AFP at Philippine Army ng kanilang “good luck wish” sa kasamahang may ranggong lieutenant colonel.

“The AFP will not let its guard down on the day Manny Pacquiao defends his WBO welterweight championship title against Timothy Bradley,” ani Burgos.

Sa panig naman ng PNP, mananatili pa rin umano ang seguridad na kanilang ipatutupad sa matataong lugar lalo na’t halos nakatutok umano ang buong sambayanan sa tuwing may laban si Pacquiao.

Panawagan naman ni PNP chief Gen. Nicanor Bartolome sa publiko, huwag maging kumpiyansa sa posibleng pananamantala ng taong may masasamang loob lalo na sa mga iiwanang bahay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply