PNP nakaalerto sa Araw ng Kalayaan

INALERTO ngayon ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicanor Bartolome ang lahat ng kanilang puwersa sa buong bansa upang matiyak ang seguridad sa iba’t ibang mga aktibidad kaugnay ng ika-114 taong paggunita sa Araw ng Kalayaan.

Ayon kay Bartolome, magsisilbing inspirasyon sa hanay ng pulisya ang temang “Kalayaan, pananagutan ng bayan para sa tuwid na daan.”

Kaugnay nito, magiging bahagi ang PNP sa Sandigan ng Kalayaan concert na gagawin sa Quirino Grandstand kung saan isang booth ang ilalagay at doon makikita ang mga front line services ng PNP, programa at ang mga naging accomplishments nito sa mga nakalipas na buwan.

Ilan sa mga nakalinyang programa na isasagawa ay ang sabay-sabay na flag-raising and wreath-laying ceremonies sa Barasoain church historical landmark.

Inaasahan si Pangulong Benigno Aquino III bilang guest of honor at speaker sa Rizal Park, Gen. Emilio Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite at Mauseleo de Los Veterenos dela Revolucion, sa Manila North Cemetery.

Nananatili ang full alert status na ipinatutupad ng PNP sa Mindanao habang heightened alert naman sa Luzon at Visayas.

Inihayag naman ni AFP National Capital regional Command chief Ltgen. Titan Kison na may naka-standby silang puwersa na handang umayuda sa PNP kung hihingin ang kanilang tulong.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply