PNP handa na sa school opening sa Lunes

HANDA na ang puwersa ng pulisya upang magbigay seguridad sa pagbubukas ng klase sa Lunes, Hunyo 4.

Nabatid na nagtalaga na si PNP chief Nicanor Bartolome ng mga pulis na magsagawa ng foot patrol upang mapalawig ang police visibility sa pasukan.

Makikipag-ugnayan din ang mga pulis sa mga school official upang magsagawa ng security check sa loob at labas ng mga paaralan.

Hihigpitan din ang pagbabantay ng mga pulis sa mga pambu-bully sa mga estudyante na siyang pinagmumulan ng gulo.

Sa Quezon City, tinatayang 900 na pulis ang ipapakalat sa mahigit 200 paaralan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply