PNP handa sa sakuna – Purisima

TINIYAK kahapon ni NCRPO Regional Director Alan Madrid Purisima na handa ang hukbo ng kapulisan sa buong Metro Manila na harapin ang tungkulin nito sa panawagan ng sambayanan ngayong umiiral na ang panahon ng tag-ulan kung saan ang pagpasok ng mga paparating na bagyo ay nagdudulot ng malaking pinsala doon sa mga lugar na lubos na maaapektuhan.

Sa loob ng Camp-Bagong Diwa, lungsod ng Taguig, sinabi ni RD Purisima na sumailalim, aniya, sa maraming pagsasanay ang mga NCRPO police upang paunlarin ang kaalaman ng mga ito sa pagtugon sa panawagan ng sambayanan sakaling bayuhin ng mga paparating na bagyo ang mga mabababang lugar sa National Capital Region, partikular na ang Marikina at iba pang binabahang lungsod.

Kabilang sa mga pinagdaanang pagsasanay ng mga kapulisan sa ilalim ng Search and Rescue (SaR) regular and refreshers courses ay ang boat handling technique, pagsagip sa buhay sa pamamagitan ng paglangoy, at medical practitioners na maghahatid ng first aids na kailangan tuwing may magaganap na natural o man-made disasters.

“We make sure that our trainings and programs are done ahead of time,” ani Purisima.

Sa kasalukuyan, ang NCRPO ay may 2,146 deployable and prepared personnel bukod pa ang 612 na kapulisan na sumailalim din sa katatapos na pagsasanay sa SaR.

“Your NCRPO continuously conducts trainings and programs to prepare and equip our personnel and forces for disasters during rainy days. We make sure that our trainings and programs are done ahead of time,” Purisima said. “In fact, during summer time, we aware already conducting trainings and inventory of equipment for rainy seasons,” he said.

Ang pag-iinbentaryo ng mga kagamitan at iba pang safety paraphernalia na nasa ilalim ng pag-iingat ng NCRPO tulad ng 19 na rubber boats at 6 lift vehicles ay maayos na sinubok at inilagay doon sa mga lungsod na palaging binabaha tuwing sumasapit ang panahon ng tag-ulan.

Maaaring makipag-ugnayan ang mga mamamayan sa NCRPO anomang oras sa pamamagitan ng text message at ipadala ito sa mga numerong 0999-901-8181 (smart), 0915-888-8181 (globe), o ‘di kaya ay tumawag sa hotline 838-3203 “Subukan Nyo Po Kami.”  Bukas po ang linya 24-oras.

“Hindi tayo magiging biktima kung lagi tayong handa,” ani Purisima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply