PNP: Pagbubukas ng klase, generally peaceful

AYON sa Philippine National Police (PNP), “generally peaceful” o maayos at mapayapa ang pagbabalik-eskwela sa buong bansa, ngayong araw.

Sinabi ni PNP spokesman C/Supt. Generoso Cerbo, na kahit na maraming mga estudyante ang nagbalik-eskwela ay sapat naman ang kanilang tauhan para bantayan ang sitwasyon.

Batay sa monitoring, maayos at positibo ang ulat na kanilang natanggap mula sa mga ground commanders sa buong bansa

Nabatid na naka-full alert ang pambansang pulisya sa Mindanao habang naka-heightened alert naman sa bahagi ng Visayas at Luzon para sa pagbubukas ng klase ngayong araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply