PNP pay cheque scam sinisiyasat ng CIDG

PUSPUSAN ang isinasagawang pagpapasiyasat ng liderato ng Philippine National Police kaugnay sa nabunyag na multi-million PNP Pay check scam, sa payroll ng mga pulis.

Lumabas sa insiyal na impormasyong nahalaw ng PNP Criminal Investigation Division, Manila na nadiskubre  ng isang Land Bank manager ang nasabing paycheck scam kung saan milyong halaga ng tseke ang narekober na nakalaan sa sahod at allowances ng mga ‘ghost employees’ ng PNP.

Sa panimulang pagsisiyasat, lumalabas na matagal ng nangyayari ang scam kung saan ang mga nasabing tseke ay ginagamit sa pagbili sa mga supermarkets at nabebenta sa mas mababang halaga.

Inihayag ni PNP Spokesman Sr. Supt. Generoso Cerbo, nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng CIDG kaugnay sa katiwalian para matigil na.

Katwiran ni Cerbo hindi pa kasi sumasahod sa ATM ang lahat ng PNP personnel at marami pa ang tumatanggap ng tseke kaya sinasamantala naman umano ito ng sindikato.

Iginiit ni Cerbo na hindi galling sa kanila ang eskandalo at hindi naman sila maaring mag-isyu ng tsekeng pansahod sa miyembrong wala naman sa PNP roster.

“Yan po ay hinahawakan na ng CIDG. Mga sindikato pong sumasakay sa sistema ng PNP ang gumagawa niyan at hindi kami puwedeng mag-isyu ng suweldo na wala sa roster ng PNP,” ani Cerbo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply