Police asset tinigbak

PATAY agad ang isang magtataho na inakalang asset ng mga pulis makaraang barilin ng isang hindi nakikilalang lalaki, kaninang madaling araw sa Sitio 6, Barangay Catmon, Malabon City.

Nakilala ang biktima na si Alexander Clemente, 31, taho vendor, residente ng naturang lugar.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Edsel Dela Paz ng Malabon PNP, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente.

Nabatid na kabababa pa lang ng jeep ang biktima at pasan-pasan ang dala nitong taho nang harangin ng tatlong kalalakihan.

Isa sa mga suspek ang agad bumunot ng baril at pinaputukan sa mukha ang biktima na agad nitong ikinasawi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply