Police officer nabundol ng pick-up, patay

DEAD on arrival sa Caraga Regional Training Hospital ang isang police officer matapos itong mabundol ng isang rumaragasang mini truck sa lalawigan ng Aklan habang sakay ng kanyang motorsiklo, ayon sa ulat ng
pulis kahapon.

Batay sa report,  wala ng buhay ng idating sa pagamutan ang biktimang si SP01 Arnel Raut-Raut, naninirahan sa Balabag, Boracay, Malay Island, Aklan na kasalukuyang sumasailalim sa schooling sa PNP Regional
Training School sa Brgy. Lipata, Surigao City.

Isang kulay puti na Ford Ranger na may plate number KGG-572 ang itinuturong responsable sa pagkamatay ni Raut- Raut.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, sakay ng motorsiklo ang biktima at binabaybay ang paitaas na bahagi ng daan sa Sitio Panubigon, Brgy. Lipata nang makasalubong nito ang Ford Ranger na umanoy mabilis din ang pagpapatakbo ng driver.

Lumalabas na ang sasakyan ay pagmamay-ari ng isang Rosalina Dejolde at minamaneho ni Perlito Yortas.

Hindi nakontrol ng driver sa Ford Ranger ang manibela at nabangga nito ang pulis, nakaladkad pa ito ng humigit-kumulang 4 na metro at bumangga sa isang kahoy.

Matapos ang aksidente, dali-daling dinala sa hospital si SPO1 Raut-Raut ngunit binawian na ng buhay.

Ilang oras ang makalipas, sumuko sa Police Station ang driver na si Yortas at sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Ngunit nagrereklamo ngayon ang asawa at kapatid ng biktima dahil diumano’y sa salaysay ng mga nakakita, isang babae ang nagmamaneho noong nangyari ang aksidente at isang palaisipan sa kanila na noong
sumurender, isang lalaki na ang driver.

Binigyang diin ng mga ito na dapat managot sa batas kung sino talaga ang totoong nagmamaneho noong nangyari ang aksidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply