Political party fund

ISANG panukala ang inihain ni Sen. Edgardo Angara na “suportahan ng Estado ang accredited political parties” at “parusahan ang mga political balimbing na nagpapalit ng partido depende sa kung sino ang administration.” Ito ang POLITICAL PARTY DEVELOPMENT ACT.

Sabi ni Angara, “Our politics remains very bad, breeding poor governance and corruption that stifles the delivery of public services. This is because the structure of our politics, especially of our political party system is flawed.”

Noong isa ako sa mga konsehal ng Pilipinas na pinarangalan ng Most Outstanding Councilor of the Philippines, si Angara ang nag-sponsor noon at isa sa mensahe niya sa amin ay good governance sa lokal na pamahalaan at delicadeza sa pulitika. Marahil, frustrated siya na hanggang ngayon ay “masama” pa rin ang pulitika ng Filipino bagama’t bahagi na siya nito noon pa.

Kung “gagastusan ng gobyerno” ang mga partido o kaya’y “ibabawal” ang paglipat ng partido, mag iiba kaya ang ating pulitika?

Umaasa si Angara na “OO.” Pag malakas “financially” ang mga partido ay hindi na kailangan ang contributions nila sa mga tumataya sa pulitika para palawigin o protektahan ang sariling interes. Kung ipagbabawal ang paglipat ng partido ng politiko, gaganda kaya ang serbisyong pampolitiko?

Respeto po sa butihing Senador, ngunit sa tingin ko po ay hangga’t hindi nagbabago ang kultura ng ating pulitika, hangga’t may mga politiko na pinagsasamantalahan ang kahirapan ng mga botante at patuloy na tinutukso at sinisilaw sila ng salapi kada halalan. Hangga’t naghahari ang interes ng politiko para lumipat ng partido ay “cosmetic” o palamuti lamang ang Political Development Fund.

Sa pananaw ko, hindi pera ang batayan ng matibay na partido kung hindi paninindigan at paniniwala. Example lang ang Lakas. Nang palubog na ang Lakas, lipatan na sa Liberal Party. Lipat Partido. At ngayon dahil mabango si Vice President Jojo Binay ay lipat naman sa PDP-Laban ang pinag-iisipan. Kahit may “state funding” ang mga partido, hindi ito sasapat sa dapat tustusan ng mga politiko para “mag survive” sa pultika.

Isa pa, may pera ba ang pamahalaan para gastusan pa ang mga partido? Kulang na nga ng mga classroom, underpaid ang government workers, gagastusan pa ang mga partido ng estado?

Maganda ang hangarin ni Angara. Pero pag pinag-uusapan na ito sa Senado at Kamara, ang suggestion ko po sa mga mambabatas ay “THIS TIME, LET US THINK AS ORDINARY FILIPINOS AND NOT AS POLITICIANS.” Marahil ay makaiisip sila ng lunas sa ating maruming pulitika.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply