Politicians should rise above themselves in times of crisis

NORMAL sa isang pamilya ang may hidwaan. Pero pag may banta sa pamilya, nagkakaisa tayo para harapin ang problema.

Kahit ikaw, isasantabi mo muna ang away ninyo ng kuya mo para damayan siya kung nabalitaan mong may cancer ang anak nya. Tama po ba?

Ganun dapat – pag matindi ang banta – mas importante ang pamilya kaysa sa sarili.

Normal sa opisina ang may alitan. Pero pag delikado ang lagay ng negosyo… kuwidaw muna ang away para magtulungan na mapalago muli ang business na pinagmumulan ng kinabubuhay natin pare-pareho. ‘Di po ba?

Ganun dapat – pag matindi ang banta – mas importante ang kompanya kaysa sa sarili.

Normal sa magkakapitbahay ang may intriga. Pero pag may sunog o baha… tinutulungan pa natin ang chismosang katabing bahay na makalikas nang ligtas. Bubuhatin mo pa ang ref niya kamo. Amen?

Ganun dapat – pag matindi ang banta – mas importante ang komunidad kaysa sa sarili.

Natural sa normal na tao na isipin ang ikabubuti ng nakararami (greater good) higit sa kanyang sarili.

Pero bakit sa Marikina, may mga taong sinasakyan pa ang problemang hinaharap natin para lang iangat ang sarili?

Ika nga ni Mayor Del de Guzman, ngayon ang panahon para magkaisa.

Ito dapat ang gawin natin sa Marikina dahil sa banta ng mga riding-in-tandem na may bagong modus operandi. Kung dati ay nanghahablot lang sila ng bag o nanunutok at holdap sa kalye – ngayon ay pinapasok na ang mga bahay natin.

Pag ganitong matindi ang banta sa ating mga pamilya at mahal sa buhay, hindi ito ang panahon para pagsamantalahan ng mga politiko ang sitwasyon at i-agitate ang mga residente dahil lang sa kanilang mga pansariling agenda.

Nakahihiya. Eh, nung panahon ninyo problema rin naman ang krimen. So ‘di na dapat magpanggap na kaya n’yong solusyunan ang krimen kasi ‘di nyo ito nagawa noon. Alam ng taumbayan yan.

Itabi muna natin ang pulitika at harapin ang banta ng magkasama.

Dapat lang, kasi apektado tayong lahat ng problemang ito.

Hindi naman namimili ang mga sindikatong ito kung anong partido ang susunod nilang nanakawan o gagahasain, di po ba?

Dapat non-negotiable ang krimen. Harapin natin ito na nagkakaisa.

Bayan muna bago ang sarili.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply