Politiko, nurse at Black Nazarene ni Pacman

HAYAAN naman po nating ihayag sa araw na ito ng ating mga mambabasa ang kanilang mga puna, kaisipan, paninindigan, mungkahi at iba pa.

Heto po sila.

PACMAN, BLACK NAZARENE

Ginoong Antiporda. Noong araw na umalis si Manny papuntang US para sa laban nila ni Bradley ay nasabi ko na matatalo si Manny dahil itinakwil niya ang Black Nazarene ng Quiapo at sa dalawang demonyo umasa. Hangga’t ‘di siya natututong bumalik sa Quiapo at humingi ng tawad ay mabuti pang mag-retire na sa boxing pagkat ‘di na s’ya mananalo. Mark my words. +63927559….

UKOL PA RIN KAY PACMAN

Totoo naman na si Pacman ang nanalo. Kaya lang niya madaling natanggap agad ‘yun kasi noong huli nilang laban ni Marquez, ganundin ang hatol ng mga judge. Ganunpaman Pacman pa rin ako. +63912870….

Mali ang desisyon ng mga judge sa laban ng Pambansang Kamao. Parang sinabi nila na bulag ang manonood, malaki ang lamang ni Pacquiao.  639284169638….

SHABU AT SUGAL SA PARAÑAQUE

Gandang hapon po. Kasi po, rito sa amin sa San Dionisio, Parañaque City, sa gitna ng kalsada 24 oras ang kara y krus at bentahan ng shabu. +63915298….

PATUPADA NG PULIS SA PASAY

Sa Brgy. Merville, Pasay City, tuwing Linggo ay may nagaganap na iligal na tupada. Pulis ang nagpapatakbo dito kaya hindi mahuli-huli. Sana po magawan ng paraan. +63915138….

MGA PUNA KAY MIRIAM

Sa palagay ko, may konting tama si Sen. Miriam Santiago. Ganyan ang matalinong bobo. Alam niya na guilty si Chief Justice Corona, bumoto pa rin siya ng not guilty. Ang galing magsalita, kulang pala sa gawa. +63912774….

Mahal kong mga kapatid na Filipino, maniniwala pa ba kayo kay Sen. Miriam Defensor Santiago?

Ngayon nalaman na natin na isa siyang alipores ni GMA, isa siyang plastic at mayabang pa. Tatlo lang sila na hindi bumoto kay CJ Corona. +63929486….

WELDER AT TRABAHO

Sir, good am po. Sana makarating ito sa mga boss diyan sa Datu Puti na kompanya. Welder kasi me diyan noon. Nahulog me sa bubong ng pabrika habang nagwo-work. Nabali ang right hand ko. Ngayon malakas na po ako. Sana bigyan nila ako ng regular work. Si Casanillo Johney po ito. Taong 2005 po nangyari iyon. Thanks po. +63939646….

PAGSASANAY SA PULISYA

Good pm, Benny. Kung itataas nila ang presyo ng yosi, paano na ‘yung mga nagtitinda? ‘Yun lang ang hanapbuhay nila, ‘yun lang ang kaya nilang itinda. ‘Pag hindi na makapagtinda, e, ano ang kaalabasan nila? Magnanakaw sa bandang huli. Walang ginawa ang mga Kongresman kundi gumawa ng batas na apektado ang mahihirap. +63948500….

RAID SA DVD MAY LAGAY

Good pm, Sir Benny. Sa Imus, Cavite, kahit may raid hindi pa rin mahuhuli ang mga nagtitinda ng DVD dahil may lagay. Dapat ang tropa ni Ronnie Ricketts ang kumilos at walang ibang pagpapaalaman na manghuhuli sila para masugpo nila ang DVD. Dito sa Imus Market, sobra at tambak ang pirated na DVD. Dito baka may lagay rin si OMB. Chairman Ronnie Ricketts. +63948500….

POLITIKO AT NURSE

Good day po, sir. Isa po akong volunteer nurse sa loob ng 2 years. Wala po kaming nare-receive kahit allowance man lamang from the hospital.

Until now, I remain as a volunteer nurse. ‘Yung reason po ay ang pakikialam ng mga politician. Palakasan po. Pag nirekomenda nila, sure na pasok kahit baguhan na hindi deserving. Kawawa po ang marunong na nurse, pag walang kapit naiiwan po.

We are dealing with lives. Bakit po natin isasapalaran ang system sa baluktot?

Why not give chances sa expert nurse kahit walang backer. +63915844….

K+12 PAPOGI NI LUISTRO

Good pm, Sir Benny. ‘Di ako sang-ayon sa pampapogi ni Sec. Luistro na K+12. Pampahirap sa mga magulang lalo na sa mahirap ang buhay ngayon. Siguro ‘di nakikita ni Sec. Luistro ang siksikan ng mga bata sa isang kuwarto na parang sardinas. Anong matututunan ng mag-aaral sa sitwasyon ng mga bata.
Baka ang makuha nila ay sakit mula sa mga kasama nila na may sakit. 50 to 70 mag-aaral sa isang kuwarto. Bakit ‘di nila gawing 35 to 40 bawat kuwarto para may matutunan ang mag-aaral at tataas ang quality ng kanilang edukasyon? Thank you. God Bless. +63918236….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply