Power increase mararanasan sa Agosto

DAHIL sa maintenance shutdown ng Malampaya, nakaambang tumaas ang singil sa kuryente sa Agosto.

Ayon kay Energy Secretary Jose Rene Almendras, nitong nakaraang Hunyo 13 nagsara ang Malampaya Natural Gas Facility nang makaranas ng technical problem noong Hunyo 9 at 10 na nagresulta sa paggamit ng mas mahal na panggatong sa Sta. Rita at San Lorenzo Power Plants.

Sinabi ni Almendras na bagama’t walang magaganap na brownout sa pansamantalang pagkawala ng suplay ng natural gas sa tatlong malalaking powerplant kabilang ang Ilijan, Sta. Rita at San Lorenzo ay mas mataas naman ang magagastos sa paggamit ng bunker oil at condensates.

Dahil dito ipapasa sa mga konsumer ang magagastos sa alternative fuel at maaaring maramdaman ang paggalaw sa singil sa kuryente sa billing sa Agosto 26.

Nakatakdang mawalan ng suplay ng natural gas ang mga malalaking powerplant na nagsusuplay ng 25-porsyento ng kuryente sa Luzon mula Hulyo 13 hanggang 21.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply