Presensya ng Chinese vessel sa Panatag Shoal, iniimbestigahan – PCG

INIIMBESTIGAHAN ng Philippine Coast guard (PCG) ang ulat hinggil sa umanoy bagong presensya ng Chinese vessrl sa pinag-aagawang Scarborough Shoal  sa bahagi ng West Philippine sea.

Nabatid na namataan ng Philippine Air Force  reconnaissance plane  ang umanoy pagpasok ng barko ng China  .

Bagamat inamin ng pamahalaan ng Pilipinas na mahirap magtalaga ng permanent station ng mga sasakyang pandagat sa Panatag shoal ay nanindigan naman ang pangulong Aquino na nakahanda ang Pilipinas na muling magdeploy ng puwersa sa lugar sa oras na makumpirma ang presensya ng dayuhang barko sa territorial waters ng Pilipinas.

Una na ring pinaalis ang napakaraming barko ng China sa Panatag Shoal at naghayag ang Chinese government ng fishing ban sa lugar ngunit kalaunan ay mayroon pa rin umaaligid at  tila nambubuli pang mga Chinese fisherman sa area kaya ito ikinaalarma ng Pilipinas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply