Presidente ng bangko, arestado ng NBI

INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang President ng isang Thrift bank nang dumalo ito ng pagdinig sa Quezon City matapos siyang maakusahan sa di umanoy pagkaksangkot nito sa ilang counts ng estafa  .

Si Patricio Notada ay president ng  Homeowners Savings & Loan Bank ( o mas kilala na Homeowners Savings & Loan Associations Inc. o HOSLA), na ipinasara ng Monetary Board- ( ang policy-making body ng  Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) noong 1999.

Nito lamang buwan ng Marso ay humingi ng tulong ang BSP Office of Special Investigation sa NBI-BSP task Force para sa pagkakaaresto ni Notada

Ayon sa NBI, si Notada ay kinasuhan din ng 3 counts ng estafa dahil sa pamemeke ng commercial documents para sa rediscounting ng mga pekeng accounts nina Nancy Manicsic, Erlinda Tablang at Bayani Batac.

Bukod dito, kinasuhan din ng 2 counts bawat estafa case si Notada at paglabag sa Section 21 ng Republic Act 7906 (Thrifts Bank Act of 1995) dahil sa “overvaluing” ng collaterals ng loan accounts ni Arturo Castillo at Minardo Salvosa saka nito ne-rediscount ang mga loan accounts nila sa BSP

Dahil sa insidente, ang BSP ay nakapaglabas ng P17.4 million sa HOSLA at bilang katiyakan ang HOSLA ay  nag-isyu naman ng promissory note at titulo ng lupa bilang kolateral.

Ayon sa NBI, naaresto si Notada nang dumalo ito sa hearing sa Quezon City RTC Branch 101 para sa hiwalay na kaso.

Sa ngayon ay pinipigil ngayon sa NBI headquarters si Notada.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply