Presyo ng LPG ‘di ibinababa; PNP,TMG kotong sa Quezon

BIBIGYANG daang muli ng Lily’s Files ang ilan sa mga  tambak na  mga txt mssgs at  mga  nag email  ng kanilang mga reklamo at hinaing tungkol sa kanilang mga  employer o lugar ngunit tulad ng dati ay hindi na po natin babanggitin dito ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin po sa  kanilang kahilingan at  proteksiyon.

Kung anu man ang mailalathala ng  pahayagang REMATE ay iyon po ang nakasaad sa kanilang mga padalang txt mssgs at email sa inyong lingkod ay wala po akung babaguhin o papalitang mga salita.

Good pm po Lily’s files, Ako po ay taga Montalban, Rizal, nais ko lang po ireklamo  yung Fiesta Gas, kasi po hindi pa po sila nagbaba ng  presyo  ng 11 kilo  bawat tangke ng gas.

P638  pesos pa rin bawat tangke  ang oresyo nila, dalawang beses nap o nagbaba ng presyo sa Mercado, pero sila  ay ganun pa rin po.maraming salamat po.

Magandang tanghali po, isa po ako sa nagrereklamo  sa talamak na bentahan ng droga ditto sa Happy Land sa Tondo, Maynila. Ang reyna  ng bentahan ng droga ditto  ay si  Lani Macapaar , siya po ang nagpapakalat ditto ng droga at ginagamit po ang kanyang mga menor de ead na mga anak sa pagkuha ng droga.

Sana po  ay mabigyan nyo ng pansin ang reklamo ko tungkol sa droga , alam din mo ito ng  barangay sa amin kaso dedma lang  ang barangay 105 dito sa Happy Land .

Mam Lily gud am po,  ngayon lang po ako nagbasa  ng column nyo  at nakita ko na puwede mo pala kaming  matulungan  sa problema naming mga biyahero  galling ng Visaya at Bicol.

Sa rota  po naming ito ay  talamak ang pangongotong sa amin  ng mga kapulisan  at TMG  Highway Patrol lalo nap o sa parte  ng Quezon Province

Maawa  naman sana sila  sa mga biyahero , pinaghihirapan  po naming  ang kinikita naming at  hindi pinupulot.

Sana pos a pamamagitan  nyo ay  maputol na ang mga Gawain nila. Thank you at more power pos a inyo at sa Lily’s Files Column nyo.

Madam, this is Mr.Altre, dito po ako ngayon  sa Postal Office ng Urdaneta, Pangasinan, pasado alas 8:00 na ng umaga pero wala pa ring mga tao sa windows nila…

Good day po, dito po sa area ng CAMANAVA, ang kakapal po ng mukha ng mga pulis, nangongolekta na nga ng  tong linggo-linggo  sa club ay parati pa silang andoon kasama ang mga bisita nila, ang lalakas uminom at omorder ng pulutan.

Hindi na sila nahiya sa mga may-ari ng club na namumuhunan din ng malaki tapos ganun ang gagawin nila, kaya  ang lalaki  ng tiyan kasi puro libre ang iniinom nila..

Para sa inyong reklamo ,  suggestions at kumento , magtext lang po sa 0915-5683000  at  0908-7230036  o kaya ay mag email lang  sa lpr_2012@yahoo.com .

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply