Presyo ng mga gulay, sardinas tumaas

BAGAMAT patuloy ang pagpapatupad ng oil companies sa rollback sa presyo ng petrolyo, sumirit naman ang presyo ng mga gulay na mula sa Baguio pati na ang de latang sardinas.

Base sa pinakahuling price monitoring, naglalaro ngayon sa P25 hanggang P40 ang kada kilo ng patatas; P40 hanggang P65 ang bawat kilo ng carrots; habang ang pechay ay mabibili sa halagang P20 hanggang P30 bawat kilo.

Isinisisi naman ng mga nagtitinda sa palengke ang pagtaas ng halaga ng mga gulay sa masamang lagay ng panahon.

Samantala, nagpatupad ng 50 sentimos hanggang 70 sentimos na dagdag presyo sa kada lata ng sardinas ang ilang manufacturers nito.

Nabatid na hindi nag-abiso sa Department of Trade and Industry (DTI) ang mga manufacturer ng sardinas na magtataas sila ng kanilang produkto.

Ayon kay DTI Undersecretary Zenaida Maglaya, walang dahilan ang mga sardines manufacturer na magpatupad ng taas-presyo sa kanilang produkto dahil mismong ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang nagsabing dumarami ang huli at bumababa ang presyo ng isda.

Dahil dito, nagbabala ang opisyal na kakasuhan ng profiteering ang manufacturer o supplier ng sardinas kung hindi sila magbibigay ng maayos na dahilan sa pagtataas ng presyo ng produktong sardinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply