Presyo ng sardinas bababa

MASAYANG ibinalita ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na posibleng bumaba ang presyo ng sardinas.

Ayon kay BFAR Director Atty. Asis Perez, bumaba ng P10 kada kilo ang presyo ng tamban na ginagawang sardinas dulot ng tatlong buwang ban sa panghuhuli nito mula Disyembre 2011 hanggang Marso 2012.

Dating P25 kada kilo ang presyo ng tamban ngunit P15 na lamang ito ngayon.

Tiniyak rin ni Asis na hindi kukulangin ang suplay ng isda sa bansa kahit manalasa ang bagyong ‘Butchoy’.

Aniya, sapat ang suplay ng isda mula sa mga palaisdaan dahil walang naganap na fishkill.

Bukod dito, mas gusto umano ng mga Filipino ang mainit na sabaw ng karne o  mga bulanglang na gulay kapag tag-ulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply