‘Privacy’ hiling ng pamilya Corona

NGAYONG wala na sa pamahalaan ang napatalsik na si Chief Justice Renato Corona, mariin ang hiling ng kanyang mga kaanak na bigyan sila ng “privacy”upang tuluyan ng matuldukan ang nasabing usapin.

Ito ang napag-alaman mula sa isa sa abogado ng dating punong mahistrado na si  Atty. Rico Quicho , makaraang sabihin nitong masakit para sa pamilya ng kaniyang kliyente ang mga nangyari mula ng akusahan ito.

Nauna dito, tuluyan nang nakalabas noong Sabado si Corona sa The Medical City hospital matapos na bumuti ang kanyang kalagayan.

Gayunman, minabuti ng hospital management na idaan sa likurang bahagi ng pagamutan ang pasyente para makaiwas sa nag-aabang na media.

Sinabi ni Quicho na maging sila ay limitado na rin ang alam sa mga plano ng pamilya Corona.

Gayunman, handa pa rin umano siyang maging abogado ng nasabing pamilya kung kakailanganin dahil sa mga bantang kaso ng ilang opisyal ng pamahalaan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply