Programa vs climate change dapat mapakinabangan ng mahihirap

DAPAT mapakinabangan din ng mga mahihirap ang programa at inisyatiba ng gobyerno laban sa pagpapalit-klima o climate change, gayundin ang “green economy” na isinusulong na rin ngayon sa bansa.

Isa ito sa binigyang-diin ni Climate Change Commission (CCC) Vice Chairperson Mary Ann Lucille L. Sering, sa ginanap na 7th Asian Clean Energy Forum sa Asian Development Bank sa Manila.

“We have seen our economy grow but poverty continues. Real prosperity should benefit everybody. Green economy and clean energy should be assessed to see that this benefits the poor,” ani Sering.

Sinabi pa ni Sering na dahil ang Pilipinas ay isa sa sampung pinakaabang bansa na apektado ng hagupit ng pagpapalit-klima, nararapat lamang na maging prioridad nito ang pangangalap ng pondo para sa pagpapatupad ng mga sariling inisyatiba kontra sa climate change na mapapakinabangan din ng mga mahihirap.

“Gaining access to funds would help the country push through its program towards the development of a green economy which it considers as a way of achieving sustainable development and real prosperity,” aniya na idinagdag pang ang Green Climate Fund (GCF) ang magiging daan para maabot ang layon na kanyang nabanggit.

Subalit, inamin ni Sering na marami pang isyung dapat tugunan ang GCF partikular sa usapin ng pagkonsidera sa mga inisyatiba ng bawat bansa sa mga ginagawang talakayan at konsultasyon, maging sa pandaigdigang proseso ng negosasyon.

Mahalaga rin na may partisipasyon ang pribadong sektor sa pagbibigay ng solusyon sa problemang dulot ng climate change na makakatulong sa paglalaan o pangangalap ng pondo para sa mga istratehiyang gagawin kontra sa pagpapalit-klima, pati na rin sa pagtukoy sa kakayahan ng mga imprastraktura.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply