Project Noah ng DOST sa Marikina pasisinayaan

NAGBABALA umano si Pangulong Noynoy Aquino sa mga illegal logger at mga kasabwat nitong mga awtoridad na ika-kalaboso kung hindi pa magluluwat sa paninira ng kabundukan. May merito ang pagpasa ng DepEd ng desisyon kung may pasok o wala sa mga mayor kasi sila ang may alam ng local conditions sa kanya-kanyang nasasakupan.

Ngunit nitong Lunes, nabatikos ang ilang mayor dahil sa huli na nang mag-anunsyo ang mga mayor. Yung iba nga iba ang inanunsyo … may pasok daw kasi mahina naman ang ulan sa kanila at walang baha.

Dito makikita na may merito talaga dahil may mga lugar, tulad ng Marikina at Malabon, na suspendido ang klase at sa iba naman, tulad ng Maynila, ay wala. Patunay ito na iba-iba talaga ang sitwasyon (o local conditions) ng bawat siyudad.

Ang isyu na lang ay yung pagiging late ng anunsyo.

Kawawa naman talaga ang mga mag-aaral na gumising ng maaga at nabasa sa ulan sa pagpasok sa paaralan at saka lang malalaman na suspendido ang klase. Basa na siya, stranded pa.

Dapat sana talaga, bago pa lang mag alas singko may anunsyo na kung may pasok o wala. Ngunit di natin masisisi ang mga mayor natin ngayon kung mahuli man sila.

Minsan kasi mag-uumaga na kapag bumuhos ang matinding ulan. Siyempre pag ganun, oobserbahan mo pa kung tatagal ang ulan o dumaan lamang. Tapos, magpapaikot ka rin ng mga tauhan para magreport kung anong lugar na ang binabaha.

Mahirap talagang magdesisyon kasi kapag nagsuspinde ka ng klase at biglang umaraw – may maninisi sa iyo. Kapag di ka naman nagsuspinde at patuloy ang lakas ng ulan, lagot ka rin sa batikos.

Mabuti na lang at may ka-meeting kami nila Mayor Del de Guzman at Rep. Miro Quimbo last week na mga expert galing DOST kasi nakumbinse sila ni Quimbo na dito sa Marikina ilo-launch ng DOST at ni PNoy ang Project NOAH na magbibigay ng capability sa atin na mapaghandaan ang mga bagyo, malakas na ulan, at pagbabaha. Mula sa dating 2 hours leadtime ay magiging 6 hours na bago tumaas ang water level.

Nagsisikap kasi talaga si Mayor Del, Vice Mayor Fabian Cadiz at si Cong. Miro para mabawasan ang pangamba ng mga Marikenyo. Salamat kina DOST Dir. Raymund Liboro, Dr. Enrico Paringit, Project Leader ng DREAM, at Dr. Mahar Lagmay, Exec. Dir. ng Project NOAH … mukhang makapag-aanunsyo na kami ni Mayor Del accurately ng alas kuwatro pa lang ng umaga.

Sa mga kapwa ko Public Information Officers (PIO) na miyembro ng Association of Information Officers in Metro Manila (AIMM) … mabuti na makipag-ugnayan na kayo kay Dr. Lagmay para matutunan niyo rin ang paggamit ng NOAH website.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply