Proteksyon sa migrant workers pinaigting pa

LALO pang paiigtingin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbibigay ng proteksyon sa mga migranteng mangggawa.

Ito ang tiniyak ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng ika-114 na taong anibersaryo ng araw ng kasarinlan ng bansa ngayong araw.

Ayon kay Baldoz, nais ng kagawaran na higit na mapabilis at mapabuti ang mga serbisyong ipinagkakaloob sa mga itinuturing na bagong bayani upang sa kanilang pagbabalik, ang pangingibang-bansa ay hindi na aniya dulot ng pangangailangan kundi isa na lamang opsyon.

Patuloy din anang kalihim ang kanilang pagsisikap sa pagsasagawa ng reporma sa larangan ng paghahanapbuhay sa ibayong dagat.

Ipinaliwanag pa ng kalihim na ang tunay na pakahulugan ng kalayaan ay ang kalayaan mula sa kahirapan mula sa pagkakaisa ng lahat tungo sa pag-angat ng buhay bunga ng pag-unlad at paglago ng ekonomiya.

Nanawagan naman ang kalihim sa mga migranteng manggagawa na makiisa upang mapagtagumpayan ang mga hamon na kinakaharap bilang isang nagsasarili at malayang bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply