Psycho test sa CJ post ligal — Kiko

LIGAL ang patakaran ng Judicial and Bar Council na isailalim sa psycho tests ang lahat ng aplikante sa pagka-Chief Justice ng Korte Suprema.

Ito ang depensa ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa pagkuwestyon ni Atty. Romulo Macalintal na “unconstitutional” umano ang nasabing psycho test gayundin ang pagsusumite ng bank waivers ng bawat nominee sa pwesto.

Ayon kay Pangilinan, nakasaad sa JBC rule 6 section 2 na bawat aplikante ay obligadong sumailalim sa psycho o psychiatric tests na gagawin ng Medical Clinic ng Supreme Court o ‘di kaya ay sa accredited psychologist or psychiatrist ng konseho.

Ikinatwiran pa ni Pangilinan na may ibang screening requirements ang JBC gaya ng public interviews na hindi nakasulat sa Konstitusyon subalit hindi raw ito maituturing na unconstitutional.

Nilinaw pa ng senador na kung walang gagawing interviews at iba pang patakaran sa selection process ay mababalewala ang manadato ng JBC na tiyaking kwalipikado ang maisusumite nilang shortlist sa Pangulo.

“How can the JBC fulfill its duty to ensure that only the qualified are nominated if it cannot even interview a nominee because the Constitution does not say that interviews are required? The mandate of the JBC is to ensure that those shortlisted are qualified and meet the requirements laid down by the Constitution. I disagree with those who say that these additional requirements are unconstitutional,” ayon pa kay Pangilinan. (VC)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply