Pugante tigbak sa parak

PATAY ang isang puganteng matagal nang nagtatago sa batas makaraang maka-engkwentro ang mga tauhan ng Manila Police District sa Maynila kagabi (Hunyo 1).

Kinilala ang suspek na s Jomer Cruz na dating nakulong sa Teresa Rizal dahil sa mga kasong robbery hold-up, drugs at attempted murder, ngunit nakapuga.

Nasangkot din si Cruz sa pamamaril sa isang pulis-Maynila at pulis-Navotas.

Kagabi, tinangkang mangholdap ng suspek sa may panulukan ng Antipolo at Tomas Mapua sa Maynila kung saan naka-engkwentro nito ang mga tauhan ng MPD.

Ayon kay Police Chief Inspector Daniel Buyao Jr., armado ng baril at granada ang suspek at sakay ng motorsiklo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply