Pulis-Caloocan masisibak

POSIBLENG masibak sa tungkulin ang isang pulis-Caloocan na inaresto ng mga kabaro matapos na ireklamo ng isang dalaga na pinagsayaw ng tinikling sa pamamagitan ng mga bala.

Nakakulong na sa detention cell ng Investigation Section ang suspek na si PO3 Edcel Rempis, nasa hustong gulang at nakatalaga sa Caloocan City Police Station at kapitbahay ng biktima na nakilalang si Precious Villanueva, 22, ng 7th St., 11th Ave., Barangay 89, Grace Park, Caloocan City.

Ayon sa reklamo ng biktima, dakong alas-12:45 ng madaling araw nang komprontahin siya ng umano’y lasing na suspek, matapos na kasamang magreklamo sa kanilang barangay dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril.

Sa galit umano ng lasing na suspek, pinaputukan siya sa kanyang paanan na kanyang ikinatalon-talon.

Dahil dito, mabilis na nagtungo ang biktima sa tanggapan ng SID at pormal na inireklamo ang suspek na naging dahilan para dakpin ito ng kanyang mga kabaro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply