Pulis Caloocan, nabaril ang sarili, patay

AKSIDENTE umanong nakalabit ng isang pulis Caloocan ang gatilyo ng kanyang baril habang inilalagay sa ilalim ng unan bago matulog na naging dahilan ng kanyang maagang kamatayan kaninang madaling araw sa parola Compound sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si PO2 Elden Peralta, 34, nakatalaga sa PNP-Sub-Station 4 ng Caloocan police, NPD at taga 168 Area C Gate 54,Parola Compund  Tondo, Maynila.

Si Peralta ay nagtamo ng tama ng bala ng 9mm caliber Berretta sa kaliwang sintido.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Rodel Benitez, ng Manila Police District-homicide section,naganap ang insidente dakong ala 1:40 ng medaling araw sa bahay ng biktima.

Ayon naman kay Epifania Peralta, lola ng biktima, dumating umano ang kanyang apo dakong ala 1:30 ng madaling araw.

Umakyat umano ang kanyang apo sa ikalawang palapag ng bahay at nagpalit ng damit, pagbaba ay dumiretso sa kuwarto ng kanyang kapatid na si Donna at kinausap sandali kaugnay sa mga ipamimiling paninda sa kanyang tindahan bago nahiga sa isang kahoy na “sofa”.

Ilang minuto lamang ay biglang nakarinig ng putok si Epifania kaya agad siyang bumama upang tignan ang pinanggalingan ng putok kung saan bumulaga sa kanya ang biktima na duguan sa kaliwang sentido .

Agad namang humingi ng tulong si Donna sa kanilang mga kapitbahay at isiunugod sa Gat Andres Bonifacio Medical Center (GABMC) ang biktima pero idineklarang patay dakong alas 2 ng madaling araw.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para tiyakin na walang naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply