Pulis kulong sa video karera

ISINELDA ang bagitong pulis matapos tangkain kunin ang kanyang video karera na nakumpiska ng mga kabaro sa Valenzuela City kahapon ng hapon (Hunyo 29).

Kinilala ang dinakip na si PO1 Ferdinand Adap, 27 nakatalaga sa Navotas Police Station at residente ng San Francisco St., Karuhatan, Valenzuela City.

Batay sa ulat, dakong alas-12:30 ng tanghali, nakatanggap ng reklamo ang mga pulis hinggil sa video karera sa Bagong Kaunlaran, Paso de Blas ng lungsod na naging dahilan upang respondehan at nakumpiska ang isang video karera machine.

Dinala ang video karera machine sa Police Community Precinct 1 kung saan dakong ala-1:30 ng hapon ay nagpunta si Adap at gustong mabawi ang makina.

Dahil dito, dinakip si Adap at sinampahan ng kasong illegal gambling.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply