Pulis Maynila, inireklamo ng pananakot ng mga opisyal ng barangay

NAHAHARAP sa kasong grave threat at oral defamation ang isang tauhan ng Manila Police District matapos magreklamo ang ilang barangay officials, hinggil sa umano’y  pambu-bully at pananakot sa kanila habang nagsasagawa ng pagpapatrulya sa Tondo, Manila.

Kahapon, nagtungo sa tanggapan ng MPD-General Assignment Investigation Section (GAIS) sina Renato Tiongkiko, 50, Brgy EX-O ng Brgy 96 Zone 8 District 1; Abraham Diaz, 59, Brgy EX-O ng Brgy 91 Zone 128; Roberto Florentino, Brgy Tanod ng Brgy 99 Zone 128 at  sampung iba pa, para maghain ng reklamo laban kay PO1 Gloybel Dimacali, nakalataga sa Legal Department ng MPD.

Batay sa report na isinumiti ni SPO2 John Cayetano kay P/Sr.Insp. Ramon Meneses, OIC ng MPD-GAIS, dakong 11:45 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa Vitas St., sa Tondo.

Nabatid sa pinagsama-samang salaysay ng mga opisyal ng barangay, nagsasagawa sila ng pagpapatrulya sa nasabing lugar nang hinarang sila ni Dimacali habang nakasakay ng kanyang motorsiklo at tinignan ng masama mula ulo hanggang paa.

Nagtungo ang mga opisyal sa barangay hall at habang nakaupo ang mga ito ay muling dumating si Dimacali na nakamotorsiklo, tumigil sa kanilang harapan hawak ang kanyang service firearm at sinabihan sila ng “mga p…ina niyo, ano gusto nyong barilin ko kayo” saka ito umalis.

Kinumpirma ng mga barangay officials na lasing ang suspek nang pinagmumura sila.

Dagdag pa ng mga barangay official na personal na silang nagreklamo dahil sa madalas umano gawin ni Dimacali ang pananakot sa kanila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply