Pulis-Maynilang suspek sa pagnanakaw, tinutugis na

PATULOY na tinutugis ngayon ng mga kagawad ng Manila Police District ang isa nilang kabarong sangkot sa pagnanakaw noong Mayo 30 sa Sta. Ana, Maynila.

Ang suspek na nakilalang si PO3 Norris Malindog ay wanted sa kasong pagnanakaw matapos inguso nang kapwa niyang pulis at suspek rin na si PO1 Robert Cruz.

Sa paunang imbestigasyon ng MPD Robbery Section, nilooban ng mga suspek ang bahay ng biktimang si Carlo Bagui sa Paco Roman Street.

Ikinulong diumano ng mga suspek ang pamilya ng biktima sa banyo bago tuluyang nilimas ng mga ito ang kagamitan sa loob ng bahay na nagkakahalaga nang mahigit sa 200,000 piso.

Si Cruz ay nadakip habang naka-duty sa MPD Station 6 ilang araw matapos ang krimen nang ito ay makilala at positibong ituro ng mga biktima.

Kasama ring naaresto ni Cruz ang isang barangay ex-officio member na kinilalang si Reginte Ortalla at kasalukuyan nang sumasailalim sa inquest proceedings.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply