Pulis, opisyal ng barangay timbog sa pagnanakaw sa Manila

PINASOK umano ng dalawang tauhan ng Manila Police District ang isang bahay, saka nanutok ng baril at ransakin ang buong kabahayan, saka tinangay ang mahahalagang gamit at cash na aabot umano sa 3 million piso sa Sta.Ana, Manila, iniulat ng pulisya.

Matapos makumpirma at makilala ang mga suspek,

Sa follow-up operation na inilatag ng MPD-Crime Against Property Investigation Unit sa pamumuno ni P/Sr.Insp. Roberto Mupaz, nadakip ang mga suspek na sina PO2 Robert Cruz, 36 anyos, may-asawa at residente ng 1283 Int.38 Aurora Boulevard, Sta.Cruz, Manila at nakatalaga sa MPD-Sta. Ana Police Station 6 at isang Executive Officer ng Brgy.776 Zone 85 ng ika-5 distrito ng Manila na nakilalang si Regente Osalla, Y Balin, 36 anyos ng 2437 Pasig Line St., Sta. Ana.

Samantala, dalawa pa umano ang tinutugis ng pulisya, kabilang ang isa pang pulis na kasamahan ni PO2 Cruz na hindi muna ibinunyag ang pangalan, habang nasa ilalim pa ng imbestigasyon.

Batay sa ulat ni Sr.Insp. Mupaz, nitong nakaraang Mayo 30 ng bandang 8:30 ng gabi, pinasok ng mga armadong lalaki ang bahay ng mag-asawang Carlo Mark , 36 at Shental Bagui, 34 ng 2288 –B Paco Roman St., Sta.Ana, Manila saka sila tinutukan ng baril.

Maging ang kanilang inang si Patricia Velzy, 55 anyos, na isang balikbayan ay nagawa ding tutukan ng baril, saka sila ikinulong sa loob ng banyo at ang mga anak nitong nasa 2 taong gulang ; 11 taong gulang at 14 anyos , saka niransak ang buong kabahayan at tangayin ang mahahalagang gamit at cash na aabot  umano sa 3 million.

Kamakalawa ng hapon, nagsagawa ng follow-up operation sina Sr.Insp. Mupaz , at mariing itinuro si PO2 Cruz ng mga complainant sa harapan ng MPD-Station 6 at nasakote din si Osalla sa Sagrada Familia St., sa Sta.Ana at narekober ang kulay pulang Mitsubishi (THD-998) at lumilitaw na pag-aari ito ng kasamahang pulis  ni PO2 Cruz.

Dinala sa Duty Inquest Fiscal ang dalawa habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon para sa mga sangkot pa sa nasabing nakawan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply