Pulis sa search and rescue, mga kawatan at pirata

MALAYO pa nang konti ang bagyo sa Pinas ngunit gumawa na ng sampol.

Sinasabing ang masamang panahon o bagyong  ito ang dahilan ng paglubog ng isang maliit na barko sa Palawan na ikinamatay ng lima katao.

Hinahanap pa umano ng mga kinauukulan ang nasa 26 pang pasahero ng barkong MV Josille 2.

Naglalayag umano ang barko patungong El Nido, Palawan nang paghahampasin ng malalakas na alon hanggang sa maaaring nagkaroon ng butas para pasukin ng tubig.

SWERTENG MANGINGISDA

Swerte naman ang pitong mangingisda na lulutang-lutang sa karagatan ng Cavite.

Lumubog rin ang kanilang bangka dahil sa masamang panahon.

Mabuti na lamang at may dumaang barko, ang MV Ocean Prosperity, na sumaklolo sa kanila habang naglalayag ito patungong Iloilo.

MGA NASA TABING-ILOG

Ang mga nasa tabing ilog at dagat ay dapat na ngang maghanda sa umano’y malalakas na ulan at hangin na dala ng masamang panahon.

Sila ang unang nakasalang sa baha na dala ng masamang panahon.

Tunay ngang walang buto at gulugod ang baha ngunit kung pumatay ito ay ganun na lamang.

Wala ni sinoman ang naliligtas sa mapanirang lakas nito.

Ewan natin ngunit tila hindi ito nakikinig maging sa mga dasal laban sa kanya.

Walang dinidiyos ang baha.

MGA NASA BUNDOK

Maging ang mga nasa kabundukan, lalo na ang mga tabi-tabi ng mga ito, ay dapat na magbantay.

Hindi natin masusukat ang lagim na dulot ng mga landslide na nagaganap sa mahal kong Pinas tuwing may mga siyam-siyam na ulan at masamang panahon gaya ng mga bagyo.

Paulit-ulit na nagaganap ang mga landslide kahit saan, lalo na kung tag-ulan, kaya naman ito ang magbubunsod sa atin na maging mapagbantay.

Hangga’t maaari ay huwag na nating antayin ang mga babala ng mga awtoridad bago tayo lumikas.

Ito’y para na rin sa mga nasa tabing ilog at dagat.

ANG MGA PIRATA AT KAWATAN

Itong mga pirata at kawatan ang isang dahilan ng hindi paglikas ng mga tao tuwing may dumarating na mga bagyo at baha.

Nagaganap ang mga pamimirata at pagnanakaw kahit saan.

At ang masama, itinataon ng mga animal na ito ang paglimas sa mga ari-arian ng mamamayan sa mga oras ng kalamidad at disgrasya at nasa mga evacuation ang mamamayan.

Kung may mahuli sa mga ito, ano-ano kaya ang mga dapat na gawin?

Paano rin hahanapin ang mga ito kung hindi sila matiyempuhan sa kanilang mga gawaing kriminal?

INUTIL NA MGA PULIS

Ngayon lang natin napag-isip-isip na marami pala sa mga pulis natin ang hindi marunong sa mga search and rescue na gawain.

Marami sa mga ito ang hindi marunong magmaneho ng sasakyan, magpiloto ng mga bangka, magsagwan o marunong magpaandar ng generator o lumangoy kaya.

Kaya naman, marami sa kanila ang inutil sa mga gawaing pagliligtas.

Ang mga sasakyan, bangka, generator, sagwan at iba pa ay pawang mga gamit at gawain sa pagliligtas ngunit marami sa mga pulis ang walang kaalam-alam at kasanayan sa mga ito.

Kaya naman hindi nakapagtatakang nakababalita tayo ng mga pulis na biktima mismo ng mga simpleng pangyayari sa mga oras ng  kalamidad.

PAGSASANAY SA PULISYA

Kaya nga, nang mag-utos si Gen. Nick Bartolome ng pagsasanay sa mga gawaing pagliligtas sa hanay ng pulisya, natuwa tayo, mga Bro.

Kahit papaano, kung tumakbo tayo sa mga pulis sa oras ng kalamidad, maaasahan na nating may kakayahan na ang mga pulis para sa mga search and rescue operation.

Hindi yung ituturo nila ang ibang mga tauhan ng pamahalaan para lamang tumulong.

Dapat lang na mangyari ito dahil hindi lang naman mga krimen ang dapat na harapin ng mga pulis.

LAOS NA SI PACQUIAO

‘Di na focused masyado si Manny Pacquiao sa boxing kaya natalo. Palaos na siya. +63915442….

PRO-PACQUIAO

Kahit ulit-ulitin pa na panoorin ang laban nina Pacquiao at Bradley, si Pacquiao talaga ang nanalo.

Bugbog sarado si Bradley kaya walang basehan o batayan ang pagkapanalo ni Bradley. Paano siya nanalo? +63912774….

PACQUIAO PA RIN

Hello, Ultimatum. Sir Benny, ako po ay hindi kum-binsido sa hatol ng American judges sa boxing na Manny Pacquiao versus Timothy Bradley.

Napakalayo ang score para mag-split decision. Dahil sa malaki ang pustahan sa dalawang boksingero, nagawa nilang mandaya, lalo na ang mga sugarol sa America.

Kung ako si Manny Pacquiao, huwag na akong makipag-rematch kay Timothy Bradley kung dayaan lang naman ang laro sa sports na boxing.

Para sa akin, pwede nang mag-retire si Manny sa boxing.

May halong palakasan sa judges, ayaw patalo ang boksingerong Amerikano sa boksingero na Pinoy dahil tatawanan sila ng buong mundo.

Kaya naman by hook or by crook panalo si Bradley na dapat sa Pinoy na si Manny Pacquiao ang panalo.

Nakahihiya ang American judges para gawing panalo ang lahi nila. Shame on you! +63908487….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply