Pulis ‘sinuwag’ ng taxi sa checkpoint

SUGATAN ang isang pulis makaraang“suwagin”ng isang taxi na kanyang sinita sa isang checkpoint sa tapat ng kanilang himpilan sa Quezon City Police District (QCPD) Station 2 sa naturang lungsod kaninang madaling araw Hunyo 10,2012 (Linggo).

Agad isinugod sa Camp Crame Hospital ang biktima na kinilalang si PO2 Carlos Banda,47,PNP member at nakatalaga sa Quezon City Police District station 2 sanhi ng tinamong mga sugat galos at mga pasa sa kanyang katawan.

Nagkaroon pa ng habulan bago nadakip ng mga humabol na pulis ang nagtangkang tumakas na taxi driver na si Robert Villanera,55,may-asawa,driver ng 93 Block 35, Welfare Ville Compound,Mandaluyong City.

Ayon sa ulat ni PO3 Ben Pilao may hawak ng kaso ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 1,  naganap ang insidente dakong 12:30 ng madaling araw  sa kahabaan ng Del Pilar St. malapit sa kanto ng Roosevelt Avenue sa QC.

Sinabi ni PO3 Banda nagsasagawa sila noon ng checkpoint ng kanyang mga kasamahan sa harapan ng kanilang himpilan nang pinapapara nila ang isang riding in tandem na motorsiklo at isang taxi.

Ngunit sa halip na huminto ay nagdere-derecho ang taxi na minamaneho ni Villanueva (PWF-250) na rumagasa at tinumbok ang kinaroroonan ng pulis na si Banda at mga kasamahan nito na nagmamando ng checkpoint.

Pagkaraan ay agad tumakas ang suspek ngunit mabilis namang itong hinabol ng mga pulis sakay ng kanilang mobile cars at nakorner ang taxi di kalayuan sa lugar.

Paliwanag ng suspek sa mga pulis nakatulog umano ito kung kaya niya natumbok ang checkpoint ng mga pulis at dahil sa takot kung kaya mabilis na tumakas ito na agad din nadakip.

Pansamantalang pinipigil sa detention cell ng QC traffic sector 1 ang driver ng taxi habang inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting in physical injuries .

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply