Pulis todas sa pamamaril sa Quezon City

PATAY ang isang pulis makaraang pagsasaksakin at barilin ng kanyang kapitbahay habang pauwi sa kanilang bahay sa Balintawak,Quezon City kahapon ng hapon Hunyo 29,2012 (Biyernes).

Kinilala ang biktima na si SPO1 Harry De Ocampo,46,member ng PNP at nakatalaga sa District Headquater Service Unit ng Quezon City Police District sa Camp Karingal.

Si De Ocampo ng 1218 Gana Compound Edsa Balintawak,Brgy.Unang Sigaw,QC ay nasawi noon din dahil sa tinamong tama ng saksak at bala ng baril sa kanyang katawan.

Nadakip naman ng mga pulis ang suspek na si Philip Carpio,37,ng 1184 Gana Compound,Edsa Balintawak,QC at kasalukuyan ngayong nakapiit .

Ayon kay PO3 Modestino Juanson ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) naganap ang insidente dakong 4:30 ng hapon kahapon sa Gana Compound,Edsa Balintawak,QC.

Nabatid sa ulat na naglalakad ang biktima sa naturang lugar pauwi sa kanilang bahay galing sa duty sa kanyang trabaho nang biglang harangin ang kanyang dinadaanan ng suspek.

Agad inundayan ng sunod sunod na saksak ng suspek ang biktima na sinalag naman ng huli ng kanyang kamay at braso.

Sinubukan bunutin ng biktma ang kanyang service firearm at pinutukan ang suspek subalit hindi ito tinamaan.

Naagaw naman ng suspek ang baril ng pulis na siyang ipinambaril sa biktima sa dibdib na ikinasawi nito.

Matapos ang insidente tumakas ang suspek na naglakad lamang patungo sa Edsa,BAlintawak subalit agad din nadakip ng mga awtoridad.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply