Pulubi pinugutan sa kalye

PALAISIPAN pa sa mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng brutal na pagpatay sa isang pulubi na natagpuang walang ulo sa gilid ng kalsada sa Barangay Sumagunsong, sa bayan ng Bulan, Sorsogon.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, ang katawan ng hindi pa nakikilalang biktima na tinatayang 35 hanggang 40-anyos at may taas na 5″2, nakasuot ng kulay puting T-shirt at maong na pantalon ay natagpuan dakong alas-11:45 ng gabi sa gilid ng kalsada.

May 60 metro ang layo mula sa kinatagpuan sa katawan ng biktima ay nakita ang ulo nito na halos nakabaon na sa putik sa taniman ng palay.

Base sa impormasyong nakalap ng imbestigador na may hawak sa kaso, huling nakitang buhay ang biktima sa gilid ng simbahan habang namamalimos.

Napag-alaman din na may diperensiya ito sa pag-iisip.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply