Pumatay ng tserman sa Quiapo, pinaha-hunting ni Lim

INATASAN ni Manila Mayor Alfredo S. Lim sina Manila Police District Director, Chief Superintendent Alex Gutierrez at Station3 Commander Col. Ricardo Layug walang sasantuhin sa dalawang suspek na pumatay ng barangay chairman sa Quiapo, Manila kamakalawa ng gabi.

Personal na tumungo si Lim sa Islamic Center sa Quiapo kasama sina Gutierrez, Layug at si Department of Public Services Chief Ret. Col. Carlos Baltazar, upang personal na kausapin ang mga barangay leaders at mga residente sa lugar tungkol sa tunay na pangyayari matapos makarating sa kaalaman ng alkalde na binaril ang biktimang si chairman Sainal Shariff Pararanam sa mismong loob ng kanilang tahanan habang nanonood ng television.

“Nananawagan ako sa inyong lahat na kung meron kayong maibibigay na mahalagang impormasyon para mahuli ang gumawa ng krimen, makipagtulungan sana tayo sa pulisya. Naririto ang hepe ng MPD at commander,” panawagan ni Lim sa mga residente ng lugar.

Ayon kaySr/Insp Joey de Ocampo, Hepe ng MPD-homicide section, agad umanong tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo matapos ang pamamaril dakong alas 8:30 ng gabi at idineklarang patay dakong alas 9:36 dahil sa tinamong dalawang tama ng balang baril sa ulo at dalawa sa katawan.

Batay sa paunang imbestigasyon, tahimik umanong nanonood ng television ang biktima ng walang anu-ano’y dumating ang mga suspek na sakay ng motorsiklo at pumarada sa harapan ng bahay ng chairman.

Agad umanong bumaba ang sakay sa likod na armado ng baril at nagpaputok sa direksiyon ng biktima bago sumibad patungong direksiyon ng Echague Street,hanggang sa tuluyang makatakas.

Nakatakda namang agad na dalhin ang bangkay ng biktima sa Lanao Del Sur para sa pagsasaayos ng paglilibing sa bangkay ng biktima.

Siniguro naman ni Lim sa pamilya ng biktima na isang masusing imbistigasyon at follow-up operation ang isasagawa para mabilis na makilala at maaresto ang mga kriminal.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply