Pupuksain magnanakaw ng baka sa Dagupan

DAGUPAN CITY—Pupuksain ng Dagupan pulis ang lumalalang kaso ng cattle rustling o pagnanakaw ng mga baka at kalabaw sa nasabing lungsod.

Ayon kay Dagupan City deputy chief of police Chief Inspector Ibrahim Hambon, kumpara noong nakalipas na taon, bumaba na ang cattle rustling ng 60 ang 70 percent sa taong kasalukuyan.

Ayon sa report, ang Dagupan City ang isa sa mga pinakamataas ng kasong cattle rustling na kung saan ang mga nakaw na baka at kalabaw ay ibinibenta ng mga suspect sa mga kalapit na lugar.

Sa pahayag ni Hambon, may mga nahuli at nakulong na din na mga supek sa pagnanakaw ng mga kalabaw at baka.

Sa kasalukuyan, patuloy pa din ang kampanya ng lokal na pulis laban sa nasabing krimen.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply