Pusher itinumba sa Valenzuela City

TODAS agad ang hinihinalang drug pusher matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin kaninang madaling araw June 20 Bernadino St., Valenzuela City.

Dead on spot sa pinangyarihan si Jimmy Ponce, 36, ng Dasmariñas, Cavite sanhi ng apat na tama ng kalibre 45 sa ulo.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang salarin bitbit ang ginamit na baril.

Ayon sa imbestigasyon ni P03 Richie Garfcia ng Station Investigatiuon Division ng Valenzuela police, dakaong ala 1:00 ng madaling araw ng  maganap ang krimen sa #4330 Bernardino.

Nabatid na nagtungo ang biktima sa nasabing lugar na may dalang pera para sa paghango ng shabu subalit kulang kaya nagalit ang suspek at agad na pinagbabaril .

Narekober ang awtoridad sa pinangyarihan ng apat na empty shell ng kalibre  45, na ginamit sa krimen, at  P27.000 cash apat na sachet ng shabu, na hawak ng nasawi.

Patuloy ang nasusing imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam kung onsehan sa droga ang motibo sa nasabing pamamaslang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply