Comelec: PWDs na nagpaparehistro, dumarami

UNTI-UNTI nang dumarami ang bilang ng mga Persons With Disabilities (PWDs) na nagpaparehistro at nag-update ng kanilang record upang makaboto sa darating na May 2013 midterm polls.

Ito’y bunga nang pinaigting na kampanya ng Commission on Elections (Comelec) hinggil dito.

Ayon sa Comelec, hanggang nitong Hunyo 12, 2012 ay umaabot na sa 24,573 PWDs ang nagparehistro at nag-update ng kanilang rekord.

Inaasahan namang madaragdagan pa ang naturang bilang bunsod na rin ng iba’t ibang proyekto sa voters registration na inihanda ng mga non-government organizations, local government units at government agencies sa pakikipag-ugnayan ng Comelec.

Batay sa partial report ng Election and Barangay Affairs Department, ang Region VII ang nangunguna sa listahan na may kabuuang 5, 256 PWD registrants.

Sinundan naman ito ng Region IV-A (4,167), Region V (2,242) at Region VIII (2,238).

Nauna rito, noong nakaraang taon, idineklara ng Comelec ang Hulyo 18 hanggang 23, bilang National PWD Registration Week at naglagay ng mga voter registration sites sa mga malls at iba pang accessible location.

Kamakailan lamang ay nagsagawa ang Comelec ng focused registrations para sa mga PWDs kada rehiyon sa bawat buwan (Regions VI-VIII, March 2012; Regions IX-XII at CARAGA, April 2012; at Regions I-V, CAR at NCR, May 2012). Ang resulta ng mga naturang registration ay itina-tally pa.

Para sa general registration naman ng ARMM, nagsasagawa na ang Comelec ng mga hakbang upang hikayatin ang mga PWD registrants na magparehistro.

Isang full-blown campaign para sa PWD registration ang inaasahan na ring isasagawa sa hinaharap.

Bagamat kanselado naman ang Hulyo 21, 2012 National PWD Registration Day upang bigyang-daan ang ARMM registration, iminungkahi ni Comelec Commissioner Rene Sarmiento na magtakda ng special registration day para sa mga PWDs sa Agosto upang lalo pang palakasin ang kampanya para sa PWD

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply