QC health: Magsuot ng mahahabang damit kontra dengue

MARIING pinayuhan ng Quezon City health department ang publiko partikular ang mga estudyante na magsuot ng mga mahahabang damit tuwing papasok para makaiwas sa sakit na dengue

Dahil nasa rainy season na ang bansa, pinayuhan ng QC health department ang mga magulang na pagsuutin ng mga mahahabang manggas at pantalon o jogging pants ang kanilang mga anak tuwing papasok sa eskuwelahan.

Ayon kay QC health department Epidemiology Dr. Rolly Cruz, nagpalabas din, aniya, ng direktiba ang Department of Education (DepEd) kung saan pinagsusuot ng mga long sleeves at long pants ang mga estudyante sa panahon ng dengue sa halip na nakagawiang uniporme na palda at short o short sleeves para maiwasan ang pagtaas ng kaso ng dengue ngayong tag-ulan.

Pinayuhan rin ng doctor ang mga magulang na gumamit ng mga mosquito repellant. Sa ngayon, nasa 2,264 na ang kaso ng dengue sa Kyusi.

Sinabi naman ni Dr. Antonieta Inumerable, Head ng QC Health Department, may itinoka silang anim na nurse na magbabahay-bahay upang magsagawa ng awareness campaign para makaiwas sa kagat ng lamok na nagtataglay ng dengue.

Dahil sa tag-ulan, tumaas umano ng hanggang 9 % ang kaso ng dengue sa Kyusi kumpara noong nakaraang taon.

Ayon kay Cruz, simula January hanggang June 2, umabot na sa 2,264 ang kaso ng dengue, mas mataas kumpara sa 2,081 na kaso noong nakaraang taon sa kaparehong panahon habang pareho naman ang ulat na anim na namatay sa sakit na dengue.

Nangunguna rito ang Brgy. Pasong Tamo na may pinakamaraming naitalang kaso ng dengue na umabot sa 96 habang isa ang patay.

Sumunod ang Batasan hills, na may dengue case na 94, San Bartolome 82  habang dalawa ang patay.,  Brgy Commonwealth 78 at dalawa ang patay at  Bahay toro na may 66 na dengue case.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply