Queen Sofia ng España, bibisita sa Pilipinas

BIBISITA sa bansa ang Reyna ng bansang España na si Queen Sofia upang alamin ang maitutulong sa Pilipininas.

Ayon sa Ambasador ng España Jorge Domecq, layunin ni Queen Sofia na magbigay ng suporta sa bansa sa anumang maitutulong sa Pilipinas.

Binigyang diin pa ng embahador na makikipagpulong  ang Reyna kay Pangulong Noynoy Aquino bilang ito ang unang pagbisita ng Reyna sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Dalawang beses nang bumisita sa bansa ni Queen Sofia, una ay noong 1995 kasama ang hari ng España na si Juan Carlos Primero at noong 1998 na kaalinsabay ng ika-100 taon ng paglaya ng Pilipinas mula sa
pananakop ng España.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply