Queenierich Rehman kinoronahang 2012 Miss World Philippines

ITINANGHAL na 2012 Miss World Philippines ang pambato ng Las Pinas City na si Queenierich Rehman sa coronation night kagabi (Hunyo 24) sa Manila Hotel.

Labis ang tuwa ni Rehman ngunit nagpahayag na hindi niya inaasahan ang pagkapanalo sa kompetisyon.

Bukod sa titulo ay nasungkit din ng Filipino-Moroccan beauty queen ang Best in Talent, Miss Photogenic at Best in Swimsuit awards.

Ang 23-anyos na beauty ang kakatawan sa Pilipinas sa nalalapit na Miss World pageant na idadaos sa Inner Mongolia sa China, sa Agosto 18.

Si Rehman ay dati na ring lumahok sa Binibining Pilipinas noong 2011 kung saan nasungkit rin niya ang Best in Swimsuit award.

Narito ang iba pang nanalo sa 2012 Miss World Philippines:

Mary Ann Ross Misa – First Princess
Vanessa Claudine Amman – Second Princess
April Love Jordan – Third Princess
Brenna Cassandra Gamboa – Fourth Princess

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply