Radio repeaters dapat irehistro sa NTC

KARAMIHAN sa mga shuttle service katulad ng UV Express at mga taxi operator ay may repeaters, boosters at iba pang radio communication.

Magandang pangyayari ‘yan lalo na kung ang layunin ay upang makaiwas sa traffic at makaiwas sa mga masasamang loob.

Ang hindi maganda riyan ay marami sa kanila ang walang lisensya.

Ang kanilang mga radio unit ay hindi registered at labag sa batas.

Bakit ka ninyo? Dahil nakaiiwas nga tayo sa traffic sa kalye pero nagkakaroon naman ng traffic sa ere or air frequency ng mga radio at iba pang communication system.

Delikado ito dahil ang mga booster na ito o repeater ay maaaring gamitin ng mga may masasamang layunin sa kanilang kapwa o maski na sa gobyerno.

Ang mga illegal booster at repeater na ito ay nagiging security risk sa ating bansa.

Nako-communicate nila ang usapan ng iba, para bang mga hacker sa computer na nasasala nila ang mga komunikasyon ng mga pribadong mamamayan, at pati na sa gobyerno.

Kaya nga last week ay pinatawag na ng National Telecommunications (NTC) deputy commissioner and officer-in-charge ng National Capital Region ang mga unregistered booster at repeater upang hindi sila maging sagabal sa flow of communications sa ating airwaves.

Mantakin naman ninyo, yung mga may public utility vehicle katulad ng taxi, UV Express at ordinaryong FX, wala namang ginagawa ang mga driver nila kundi makipagkuwentuhan sa kapwa driver at operator.

Kasakit pa sa tainga makipag-kuwentuhan ang mga ito. Hindi na nila isinasaalang-alang ang katahimikan sa loob ng sasakyan.

Ngayon, kailangan nang kumuha ng clearances ng mga operator na ito para sa kabutihan na rin ng bayan.

These unregistered illegal repeaters and other radio devices hamper the flow of communications since they reduce the radio signals emanating from the registered ones.

Ito ay talaga namang bawal. Bawal ito noong panahon ni Marcos at bawal din noong PNP chief pa si Gen. Panfilo Lacson.

Pero ngayon, napakarami nang violator kaya’t naghigpit na uli ang NTC.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply