Rain or Shine kakatayin ang Powerade

Friday Games (Smart Araneta Coliseum)
5:15 p.m.  — Petron Blaze vs. Barako Bull
7:30 p.m. — Powerade vs. Rain or Shine

IKALIMANG sunod na panalo ang tangka ng Rain or Shine Elasto Painters upang tumatag sa pagiging solo lider kontra sa Powerade Tigers sa Philippine Basketball Association (PBA) Governors Cup sa Araneta Coliseum, bukas ng gabi (Hunyo 8).

Magsisimula ang tipanan ng Elasto Painters at Tigers sa alas-7:30 ng gabi habang titirada naman ang upakan ng defending champion Petron Blaze at Barako Bull sa unang laro sa alas-5:15 ng hapon.

Puminta ang Rain or Shine Elasto Painters ng ika-4 na sunod na panalo nang languin ang Barangay Ginebra Kings, 93-90, kagabi.

Isang makisig na tres ang ibinigay ni Paul Lee sa huling sandali ng laro mula sa tulong ng import na si Jamelle Cornley para magwagi at manatiling walang bahid ang 4-0 kartada.

Tumapos si Lee sa 18 puntos habang nakatabo si Cornley ng 27 puntos maging ang 14 rebounds. Pumukol pa si Jeff Chan ng 18 pang dagdag na puntos.

Nagkaloob naman para sa Ginebra ng 22 puntos si Cedric Bozeman habang may 18 rin si Mark Caguioa, 12 si Kerby Raymundo at 10 si Mike Cortez. Nahulog ang Kings sa 2-2 marka.

Lumarga rin ang B-Meg Llamados kontra Meralco Bolts, 88-83. Nakatarak si Marcus Blakely ng 31 puntos habang kumana si James Yap ng 19. Nagdagdag si Marc Pingris ng 10 puntos.

Ang Llamados ay nasa ikalawang puwesto tangan ang 3-1 baraha kasama ang Petron habang ang Bolts ay nalaglag sa 1-3 kartada.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply