Raket ng mga kawatan sa pantalan, buwag na!

BUKONG-BUKO na ni Bureau of Customs Comm. Ruffy Biazon ang dalawang mastermind ng “hao-siao” na pinaniniwalaang utak ng sindikato na nabuwag kamakailan ng nasabing ahensya.

Tuluyan nang nahubaran ng maskara ang mga tarantadong nagpapanggap na empleyado na “rumaraket” sa Aduana. Nabuking na isang alyas Rene ang isa rito at dati nang ‘kotongero’ sa Aduana na nagpapakilalang kamag-anak ni Biazon at dikit daw siya sa asawa ni Biazon.

Pero ‘wag ka, ni anino at balahibo ng tarantadong alyas Rene na ito ay hindi kilala ni Biazon, bagkus ay pinagsisibak na nito ang mga alipores nitong si alyas Rene. Nadiskubre pa sa mga imbestigasyon na malimit daw na kinakaladkad ng gagong alyas Rene na ito sa kanyang sindikato ang pangalan ng isang presidential adviser para katakutan siya sa Aduana.

Madalas din daw napa-pagkitang gumagagala si Rene sa Customs at napapagkita na biglang sumusulpot sa mga okasyon na kung saan  ay imbitado ang nasabing komisyoner.

Ang akala tuloy ng marami na very close nga ang dalawa pero ang totoo, isang pamamaraan ito ni alyas Rene para mapaniwala niya ang lahat na kamag-anak nito ang nasabing komisyoner. Kaya nang malaman ni Biazon na si Rene ang siyang mastermind ng mga kawalanghiyaan sa Customs ay kaagad niyang iniutos kay Enforcement Security Service chief Gen. George Alino ang pag-aresto rito.

Napag-alaman pa rin sa intel report ng BOC na kaya raw nakapangraraket itong si Rene ay dahil siya ay protektado ng dalawang official ng Customs na dating militar na sina alyas “Teddy” at “Jojo K.”

Tuloy ang sugal sa Binangonan

Wala pa ring tigil si Nerba sa pagpapanatili ng puwesto piho nitong color game sa Brgy. Darangan, Binangonan, Rizal.

oOo

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 0918-9274764, 09266719269 o i-email juandesabog@ya-hoo.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply