Rapist nakonsensya; bebot ligtas sa rape

NAKALIGTAS sa rape ang isang dalaga matapos makonsensya ang lalaking nagtangkang manggahasa sa kanya na isa rin sa mga nagnakaw sa kanilang bahay sa Legazpi City.

Batay sa ulat, nilooban ng apat na hindi nakilalang suspek ang dalawang kabahayan sa Barangay Bonga, Legazpi City.

Tinutukan ng baril at iginapos ang mga biktimang sina Jenelyn Nuñez y Bosque, 11; Jerry Nuñez, 14; Gubeath Nuñez y Acuya, 25; Guillermo Nuñez Y Miña, 62; Amado Vergaray y Nuñez, 60; Marvin Miña y Perez, 14, at ang dalagang si Elsa Nuñez y Bosque, 18-anyos.

Pinalalabas sana ng bahay si Elsa upang doon halayin ng isa sa mga suspek habang ang mga kasamahan nito ay nagnanakaw sa loob.

Sa sumbong ng dalaga, akma na siyang huhubaran at gagahasain ng magnanakaw subalit napasigaw na lamang ito sa suspek at sinabing “siguro naman may kapatid kang babae, at ayaw mong mangyari ito sa kanya.”

Kasunod nito, binitawan ng suspek ang dalaga dahilan para makatakbo ito papalayo.

Wala namang napaulat na nasugatan subalit natangay sa dalawang pamilya ang iba’t ibang paninda nito, ilang cellphones, digicam, DVD player at hindi pa batid na halaga ng cash.

Hinala ng mga awtoridad, posibleng natunugan ng mga suspek ang umano’y padala sa mga biktima mula sa abroad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply