Re-raffle sa kaso ni Ruby Rose kinatigan ng CA

KINATIGAN ng Court of Appeals ang kahilingan ng akusado sa pagpatay kay Ruby Rose Barrameda na si Manuel Jimenez Jr. na muling magkaroon ng raffle sa kaso dahil sa grave abuse of discretion ng huwes na may hawak sa usapin.

Sa 45-pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Agnes Reyes-Carpio ng CA’s 10th Division, pinagbigyan ng korte ang petition for review ni Jimenez dahil sa mga inilahad na batayan.

Magugunitang inakusahan ng kampo ni Jimenez si Judge Zaldy Docena ng Malabon RTC Branch 170 ng pang-abuso sa kapangyarihan dahil sa pagbibigay ng pahintulot na maging testigo sa kaso ang self-confessed killer na si Manuel Montero.

Sumang-ayon naman sa desisyon sina Associate Justices Jose Reyes Jr. at Priscilla Baltazar-Padilla.

Ang kaso ni Barrameda ay naging laman din ng mga talumpati ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, kung saan ginawa pa itong halimbawa ng mabagal na pag-usad ng mga kaso sa hukuman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply