Red Carpet ikakasa ng MIAA para kay Queen Sofia ng Espanya

IKINAKASA na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang red carpet na dadaanan ng Reyna ng Espanya na nakatakdang dumating sa bansa ngayong linggo.

Nakatakdang dumating si Queen Sofia sakay ng Emirates Airlines sa araw ng Lingo, Hulyo 1, pasado  alas-4:00 ng hapon, para sa apat na araw ng pagbisita.

Bukod sa red carpet, bibigyan din ang Reyna ng Espanya ng full military honors sa paliparan.

Inaasahan din ang pakikipagpulong ng Reyna kay Pangulong Benigno Aquino sa Malakanyang.

Ang pagbisita sa bansa ni Queen Sofia ay upang alamin ang maitutulong ng bansang Espanya sa Pilipininas.

Ayon sa Ambasador ng España Jorge Domecq, layunin ni Queen Sofia na magbigay ng suporta sa bansa sa anumang maitutulong sa Pilipinas.

Binigyang diin pa ng embahador na makikipagpulong  ang Reyna kay Pangulong Noynoy Aquino bilang ito ang unang pagbisita ng Reyna sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Dalawang beses nang bumisita sa bansa ni Queen Sofia, una ay noong 1995 kasama ang hari ng España na si Juan Carlos Primero at noong 1998 na kaalinsabay ng ika-100 taon ng paglaya ng Pilipinas mula sa pananakop ng España.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply