Red Lions naitakas ang panalo

SINAGPANG ng defending champion San Beda Red Lions ang unang panalo upang makasama ang Letran Knights at Jose Rizal University Heavy Bombers sa mga first game winner.

Kahit anim lang na player ang nakabihis sa Red Lions ay nagawa pa rin nilang lapain ang Arellano U Chiefs, 81-71 kahapon sa second day ng 88th season ng NCAA seniors basketball competition sa The Arena sa San Juan.

Lumabas agad ang bangis ng dalawang transferee na sina Yvan Ludovice na galing sa National U at Art Dela Cruz matapos tumikada ng tig-18 puntos para sa Red Lions.

Dahil halos walang palitan ng players ang San Beda ay na kontrol ng Chiefs ang laro at makalamang sila matapos ang half time, 44-42.

Subalit naging matatag naman ang dalawang rookies ng Red Lions na sina Jon Villaruz at Francis Abarcar na bumakas ng 17 at 16 pts. ayon sa pagkakasunod para makuha ang abante 63-54 papasok ng fourth canto

Nag-ambag din si San Beda sophomore Dave Moralde para masikwat ni rookie coach Ronnie Magsanoc ang unang panalo.

Bigla namang nabuhayan ng konti ang Chiefs ng malasap ng Red Lion rookie na si Antonio Bonsubre ang ikalimang foul.

Ganunpaman, ay nagawa pa ring itawid ng Red Lions ang panalo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply